Kabilang sa inaasahang dadalo sa pagdiriwang ay sina Apple Chiu, finalist ng Philippine Idol; Earl Ignacio kasama si Cookie Chua ng banding Color It Red; Nash Aguas, Grand Questor ng Star Circle Kids Quest ng ABS-CBN; Miguel Tanfelix, 1st runner-up ng Starstruck Kids ng GMA 7; at mga sumisikat na Kabitenyo sa ibat ibang larangan.
Inanyayahan din ang mga natatanging Kabitenyong pinarangalan ng Gen. Emilio Aguinaldo Outstanding Achievement Award sa nakalipas na apat na taon upang makibahagi sa makulay na pagtitipon.
Si Senator Richard Gordon, ang panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita sa programa na pinaunlakan ang paanyaya ni Cavite Gov. Ayong S. Maliksi.
Sisimulan ang programa sa ganap na alas-2 ng hapon kung saan ang groundbreaking ng mga itatayong gusali ng ibat ibang ahensya ng gobyerno.
Kasunod nito, ang misa na pangungunahan ni Bishop Luis Antonio Tagle sa ganap na alas-6 ng gabi saka pasisiglahin ang programa ng pagtatanghal ng mga talentong Kabitenyo kabilang ang Imusicapella, Teatro Baile de Cavite, Carmona Performing Arts at mga lokal na banda.