^

Probinsiya

‘Maningning na Pasko sa Kapitolyo,’ inilunsad

-
TRECE MARTIRES CITY, Cavite — Ilulunsad bukas ang makulay na programa na may temang "Maningning na Pasko sa Kapitolyo" kung saan magiging tampok ang pagpapailaw ng higanteng Christmas Tree sa harapan ng Cavite Provincial Capitol na inaasahang dadagsa ang libu-libong Kabitenyo mula sa iba’t ibang sector, paaralan at kalakalan upang makisaya sa selebrasyon.

Kabilang sa inaasahang dadalo sa pagdiriwang ay sina Apple Chiu, finalist ng Philippine Idol; Earl Ignacio kasama si Cookie Chua ng banding Color It Red; Nash Aguas, Grand Questor ng Star Circle Kids Quest ng ABS-CBN; Miguel Tanfelix, 1st runner-up ng Starstruck Kids ng GMA 7; at mga sumisikat na Kabitenyo sa iba’t ibang larangan.

Inanyayahan din ang mga natatanging Kabitenyong pinarangalan ng Gen. Emilio Aguinaldo Outstanding Achievement Award sa nakalipas na apat na taon upang makibahagi sa makulay na pagtitipon.

Si Senator Richard Gordon, ang panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita sa programa na pinaunlakan ang paanyaya ni Cavite Gov. Ayong S. Maliksi.

Sisimulan ang programa sa ganap na alas-2 ng hapon kung saan ang groundbreaking ng mga itatayong gusali ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Kasunod nito, ang misa na pangungunahan ni Bishop Luis Antonio Tagle sa ganap na alas-6 ng gabi saka pasisiglahin ang programa ng pagtatanghal ng mga talentong Kabitenyo kabilang ang Imusicapella, Teatro Baile de Cavite, Carmona Performing Arts at mga lokal na banda.

APPLE CHIU

AYONG S

BISHOP LUIS ANTONIO TAGLE

CARMONA PERFORMING ARTS

CAVITE

CAVITE GOV

CAVITE PROVINCIAL CAPITOL

CHRISTMAS TREE

COLOR IT RED

KABITENYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with