8 NPA rebs nabitag
November 28, 2006 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Walong rebeldeng New Peoples Army (NPA) kabilang ang dalawang menor-de-edad ang nasakote ng militar sa magkakahiwalay na operasyon sa bahagi ng Quezon kamakalawa.
Ayon kay Army Spokesman Major Ernesto Torres Jr., bandang alas-9 ng umaga nang masakote ng operating troops ng 1st at 2nd Special Forces Companies (SFC) ang dalawang rebelde na kinilala sa mga alyas na "Ka Wani "at "Ka Allan" kasama ang dalawa pang menor-de-edad na kapwa bagong recruit ng NPA rebs.
Sinabi ni Torres na kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol ang militar sa Sitio Ilaya, Brgy. San Jose, Mauban, Quezon nang masabat ang apat na rebelde na pawang miyembro ng Kasapian "Luz" ng Komiteng Larangan Gerilya ng CPP-NPA na aktibong nag-ooperate sa nasabing lugar.
Nasamsam sa apat ang isang Magnum .357 revolver, isang GP Motorola handheld radio, mga subersibong dokumento, mga pagkain at personal na kagamitan.
Sumunod namang nasakote ng Special Operations Team ng Armys 74th Infantry Battalion ang apat pang rebelde sa liblib na bahagi ng Barangay Poblacion, San Narciso, Quezon.
Ang mga nasakote ay kinilalang sina Eismer Cate, Joven Cate, Alberto Lopez at Marcelo Oslo.
Kasalukuyan nang sumasailalim sa tactical interrogation ng militar ang mga nasakoteng rebelde. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest