^

Probinsiya

Mga holdaper ng bus nanalasa uli

-
CAMP RAFAEL RODRIGUEZ, Butuan City — Sa ikatlong pagkakataon ay muling nanalasa ang mga armadong kalalakihan matapos na holdapin ang ikatlong pampasaherong aircon bus sa kahabaan ng national highway, Crossing Sitio Tambis sa Barangay Afga malapit sa boundary ng bayan ng Sibagat sa Agusan del Sur at Butuan City, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa pulisya, aabot sa P135,000 ang nalimas mula sa mga pasahero ng Bachelor Bus (body no. 3536) na minamaneho ni Leo Jarlata Simo, 49, kasama ang konduktor na si Juan Abalon Llagas, 32, na kapwa residente ng Gingoog City. Ayon sa talaan ng PNP Caraga Region, ang naganap na holdap ay ika-47 sa taong kasalukuyan. Base sa ulat, tatlong araw matapos na holdapin ang bus ni Simo ay isa pang pampasaherong Bachelor Bus mula sa Butuan City patungong Davao City ang nabiktima ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng Monkayo, Compostela Valley kung saan isa sa mga pasahero ay pinatay. (Ben Serrano)

vuukle comment

AYON

BACHELOR BUS

BARANGAY AFGA

BEN SERRANO

BUTUAN CITY

CARAGA REGION

COMPOSTELA VALLEY

CROSSING SITIO TAMBIS

DAVAO CITY

GINGOOG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with