^

Probinsiya

2 fans ni Pacman nakuryente, grabe

-
CABANATUAN CITY – Dalawang avid fans ni Manny "Pacman’ Pacquiao ang kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan makaraang makuryente habang nakikipanuod ng telebisyon sa laban nina Manny at Erik Morales noong Linggo sa Barangay Cinco-Cinco, Cabanatuan City, Nueva Ecija. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Jaypee Robles, 21 at Joey Mallare, 19, kapwa binata, ng Purok 7, Talipapa Norte, Cabanatuan City. Ayon sa pulisya, ang dalawa ay napahawak sa bakal na antenna ng telebisyon na napadikit sa malakas na boltahe ng kuryente ng Cabanatuan City Electric Corp. habang nanonood ng boksing. Pumutok ang tagiliran at laman ng puwitan ni Jaypee, pati na ang mga daliri, braso at dibidib na ngayon ay nasa Premier General Hospital, samantala, si Joey naman ay pumutok ang batok, mga daliri ng paa. Dahil sa pagdating ni Manny Pacquiao sa bansa kahapon ay humihingi ng tulong ang mga kaanak ng mga biktima sa kanilang idolo. (Christian Ryan Sta. Ana)

BARANGAY CINCO-CINCO

CABANATUAN CITY

CABANATUAN CITY ELECTRIC CORP

CHRISTIAN RYAN STA

ERIK MORALES

JAYPEE ROBLES

JOEY MALLARE

NUEVA ECIJA

PREMIER GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with