Kabilang sa mga napatay na kawal ay nakilalang sina 1st Lt. Larry Pedrigo at Corporal Nelson Abillo habang sugatan naman si Sgt. Arnold Tongonan na ngayon ay inilipat sa AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City. Nakilala naman ang mag-asawang rebelde na sina Severino, 51 at Teresita Torres, 53.
Ayon kay AFP-NOLCOM Chief Lt. Gen. Bonifacio Ramos, nakasagupa ng mga tauhan ng 703rd Infantry Brigade na pinamumunuan ni Col. Rommel Gomez; 3rd Infantry Battalion at 118th Special Forces Company, ang mga armadong gerilya sa nabanggit na barangay.
Sinabi ni Ramos na agad nagsagawa ng strike operations ang mga sundalo ng Phil. Army matapos na mabatid ang presensya ng grupo ng mga komunistang rebelde na pinamumunuan ni Kumander Delfin de Guzman, alyas "Ka Baste", kalihim ng Bulacan Provincial Committee ng CPP/NPA. Base sa record, ang grupo ni "Ka Baste" ang nasa likod ng raid sa isang military detachment sa Binuangan, Hagonoy noong Abril 21 kung saan ilang malalakas na kalibre ng baril ang tinangay ng mga rebelde.
Sa kasalukuyan ay patuloy naman ang pinalakas na anti-insurgency campaign ng militar bilang bahagi ng Guerilla Zone Preparation (GZP) sa mga lugar na balwarte ng mga rebelde na kinabibilangan ng mga bayan ng Baliuag, Plaridel, Pulilan at Bustos sa Bulacan.
Kasalukuyang sumasailalim sa interogasyon ang anak ng mag-asawang Torres na si Ronalo, habang inimbitahan naman sa himpilan ng pulisya para imbestigahan si Chem Managuil at isa pang hindi nabatid ang pangalan. (Dino Balabo, Boy Cruz At Joy Cantos)