4 NPA rebels nadakma

CAMP AGUINALDO – Apat na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na itinuturing ng militar na terorista ang nadakma sa isinagawang operasyon sa Barangay Macutal, Baras, Catanduanes, ayon sa ulat kahapon. Kasalukuyang sumasailalim sa interogasyon ang mga suspek na sina Sonny "Skylab" Chavez, Annaliza Tanegra, Marisa Tanael at Jessebel Tanael na nakumpiskahan ng mga armas, subersibong dokumento at personal na gamit.

Sa ulat na isinumite sa tagapagsalita ng Phil Army na si Major Ernesto Torres Jr., sinalakay ng Army’s 65th Infantry Battalion sa pamumuno ni 2nd Lt. Eddamag ang safehouse ng mga rebelde makaraang makatanggap ng impormasyon. (Joy Cantos)

Show comments