Pulis pinatay sa gulpi
November 18, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagtulungang gulpihin at hatawin ng tubo sa ulo ang isang alagad ng batas ng dalawang kalalakihan na sinita ng una sa paglabag sa trapiko sa kahabaan ng highway na sakop ng KM 10, Sasa, Davao City, ayon sa ulat kahapon. Gulpi-sarado kaya nagka-internal hemorrhage sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktimang si PO3 Ferdinand Flores Sr., na nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa Davao City. Arestado naman ang mga suspek na sina Emetudio Odan at Emymar Odan na sakay ng Honda Dream motorcycle na may plakang PN 7654.
Base sa ulat, sakay ng kaniyang jeepney ang biktima nang biglang mag-overtake ang dalawang suspek na sakay naman ng motorsiklo na dumaan pa sa fast lane. Dahil dito, ay hinabol ng biktima ang dalawa at nang maabutan ay hinanapan ng traffic operator permit, subalit sa halip na magpakita ng nasabing dokumento ay pinagtulungang gulpihin at hatawin ng tubo hanggang sa sumaklolo ang kasamahan nitong pulis na tinukoy naman sa pangalang PO3 Caybot. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
18 hours ago
Recommended