Contractor ng IRRI tinodas sa UPLB campus
November 15, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga armadong lalaki na lulan ng motorsiklo ang isa na namang contractor ng International Rice Research Institute (IRRI) sa loob ng campus ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB) kahapon ng umaga.
Kinilala ni Senior Inspector Aldrin Abila, hepe ng Los Baños PNP ang biktimang si Renato del Valle, 39 at residente ng Sitio Sipit, Barangay Sto. Domingo, Bay, Laguna.
Ayon sa report, naglalakad ang biktima papasok ng kanyang trabaho kasabay ang iba pang kasamahan nang bigla na lang pagbabarilin ng dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo pagdating sa Barangay Maahas, Los Baños, Laguna bandang alas-6:30 ng umaga.
Hindi na umabot ng buhay si del Valle sa Pagamutang Pang-Masa ng Laguna matapos magtamo ng apat na tama ng bala sa kanyang katawan, ayon kay Dr. Brian Cabigting ng nasabing ospital.
Nakarekober ng apat na basyo ng bala ng calibre 45 ang mga imbestigador sa crime scene samantalang inaalam pa rin ang motibo ng pamamaslang.
Matatandaang pinagbabaril din hanggang sa mapatay noong Lunes ng umaga si Juan Alborida, 46, chief mechanic ng Agricultural Machinery Development Program ng UPLB ng nag-iisang suspek na lulan din ng motorsiko. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended