^

Probinsiya

5,000 nabiyayaan sa feeding program

-
OLONGAPO CITY — Aabot sa 5,000 residente mula sa maralitang pamilya sa nabanggit na lungsod ang nabiyayaan ng libreng pagkain sa magkasabay na feeding program at medical mission na isinagawa nina City Councilor Atty. Noel Y. Atienza at Olongapo City Vice Mayor Rolen C. Paulino.

Kabilang ang mga Barangay ng Sta. Rita, Barretto, Mactan, Banicain at Iram ang tinungo nina Atty. Atienza at Vice-Mayor Paulino sa ginanap na medical mission sa pakikipagtulungan ng Phil. Charity Sweepstakes sa pangunguna ni Dr. Feliciano Legrido.

Matapos ang pagpapakain at medical check-up ay namahagi naman ng relief goods tulad ng bigas, mga delata at noodles sina Atienza at Paulino sa mga residente na sapat para sa isang araw na pagkain.

Ayon kay Paulino, ang free medical check-up ay bahagi ng kanilang programa ni Atty. Atienza na makatulong sa mga residente ng Olongapo City kung saan itinaon din ang isinagawang programa bilang regalo sa kaarawan mismo ni Atienza noong nakaraang Sabado.

Binigyang linaw ni Vice Mayor Paulino na ang pondo sa mga nabanggit na proyekto ay mula sa sariling bulsa at sa tulong na rin ng mga kaibigan upang abot-kamay silang makatulong sa mga nangangailangan. (Jeff Tombado)

ATIENZA

CHARITY SWEEPSTAKES

CITY COUNCILOR ATTY

DR. FELICIANO LEGRIDO

JEFF TOMBADO

NOEL Y

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY VICE MAYOR ROLEN C

PAULINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with