^

Probinsiya

2 top JI terrorist leader namataan sa Sulu

-
Namataan sa isang bayan ng Sulu ang dalawang wanted na top Jemaah Islamiyah (JI) terrorist leader na sina Dulmatin at Patek; kapwa mastermind sa Bali bombing sa Indonesia noong 2002 na kumitil ng buhay ng mahigit 200 katao.

Ito ang ibinulgar ng isang high ranking military official sa panayam ng PSN kaugnay na rin ng inilunsad na Oplan Ultimatum ng AFP upang durugin ang grupo ni Abu Sayyaf Chieftain Khadaffy Janjalani at ng kinakanlong ng mga itong JI leaders.

Sinabi ng opisyal base sa pinakahuling monitoring ay namataan sina Dulmatin at Patek na kasama ng grupo na tumatakbo sa bahagi ng kagubatan ng bayan ng Panamao.

Dahil dito ay napagtibay na propaganda lamang ang umuugong na balita sa Sulu na nakatakas na sa lalawigan patungong Basilan ang dalawang wanted na top JI terrorist.

Si Dulmatin ay may patong sa ulong $11M habang si Patek naman ay $1M na inilaan ng pamahalaan ng Estados Unidos at hinihinalang siyang nagsasanay at utak ng mga pambobomba sa Mindanao na isinasakatuparan ng mga kaalyado ng mga itong rebeldeng Muslim.

Sa halip, tinuran ng opisyal base na rin sa kumpirmasyon ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay ang grupo umano ni Isnilon Hapilon ang nasa Basilan.

Ayon dito, hindi pa nakakatakas sa Sulu sina Dulmatin at Patek na kinakanlong ng mga armadong tauhan ni Janjalani. Sa kasalukuyan, mahigit 6,000 tropa ng mga sundalo ang ibinuhos ng AFP sa lalawigan upang malipol ang grupo ng mga top Abu Sayyaf leaders at ng kaalyado ng mga itong sina Dulmatin at Patek na nagtatago sa lalawigan. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF CHIEFTAIN KHADAFFY JANJALANI

BASILAN

DULMATIN

ESTADOS UNIDOS

ISNILON HAPILON

JEMAAH ISLAMIYAH

JOY CANTOS

PATEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with