Nakapugang killer, tugis
November 12, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Matapos makasalisi sa kanyang jail escorts, tugis ngayon ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa estudyante ng Philippine Womens University matapos na dumalo ng court hearing sa Biñan Regional Trial Court noong Huwebes ng hapon.
Ayon kay Special Investigator Joel Otic ng NBI- Reaction Arrest and Interdiction Division (RAID), nagbuo na ng team ang NBI at PNP para tugisin ang suspek na si Gilbert Ronquillo, 36, ng KM 57 Libis Lalakay, Los Baños, Laguna na nahaharap sa kasong murder at carnapping.
Si Ronquillo ay pangunahing suspek sa pagpatay kay PWU student Jaimarie Reyes, 22, noong October 10, 2004 base na rin sa sinumpaang salaysay ng dalawa nitong kasamahang sina Bienvenido Nicdao at Pedro Pablo Jr. na naging state witness sa krimen.
Nasakote ang grupo ni Ronquillo matapos na maaktuhang kina-cannibalize ang kotse ni Reyes sa Padre Garcia, Batangas noong October 13.
Napag-alamang nakatakas si Ronquillo sa escort nito na si JO1 Ramos matapos magpaalam na iihi sa comfort room at para makipagkita sa kanyang nobya sa harap ng RTC hanggang sa sumibad ang mga ito sa di-malamang direksyon sakay ng pink na Toyota Corolla (GHV-825). (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest