^

Probinsiya

Mga sundalong dinisiplina nagpaliwanag

-
CAMP AGUINALDO – Unang nagpaputok ng baril ang isang tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) kaya sumiklab ang bakbakan ng pulisya at militar sa harapan ng himpilan ng pulisya sa Naga City, sa Camarines Sur noong Martes ang gabi.

Ito ang ibinigay na bersyon kahapon ni Army Spokesman Major Ernesto Torres Jr., hinggil sa naganap na insidente.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Army Chief Lt. Gen. Romeo Tolentino na hindi nila kukunsintihin ang sinumang sundalo sa kanilang hanay na nakagawa ng pagkakamali sa batas.

Napag-alamang dinisiplina ang tatlong sundalong sina Sgt. Raul Olaybel, Pfc Allan Desamero at Pfc. Larry Cosepe habang tumanggap naman ng reprimand si 1Lt. Eric Culvera na pawang nakatalaga sa 9th Infantry Battalion ng Phil. Army.

Base sa record, ang tatlong sundalo ay inaresto ng pulisya dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo na walang helmet, subalit inarbor naman ni Culvera matapos itong makipag-usap sa hepe ng nasabing himpilan.

Gayon pa man, habang papalabas ang grupo ni Culvera sa himpilan ng pulisya, isa sa mga sundalo ang nagtangkang kunan ng larawan ang mga police officers na nakaposisyon sa may gate may 50 metro mula sa nasabing himpilan.

Dahil dito ay isa sa mga SWAT member ang nagpaputok ng baril sa direksyon nina Culvera kaya gumanti naman ang isa nitong escort na tinukoy na si Pfc Delfino hanggang sa magkaputukan bagaman wala namang nasugatan sa insidente.

Samantala, inatasan na ni Tolentino ang commanding general ng 9th Infantry Division na gumawa na ng mga karampatang aksyon para hindi na maulit pa ang nasabing insidente. (Joy Cantos)

ARMY CHIEF LT

ARMY SPOKESMAN MAJOR ERNESTO TORRES JR.

CAMARINES SUR

CULVERA

ERIC CULVERA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

LARRY COSEPE

NAGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with