^

Probinsiya

Estudyante sinakal, isinako ng adik

-
CAMP CRAME — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 18-anyos na hasykul student makaraang sakalin ng hindi kilalang adik sa droga ay isinako pa bago itinapon sa irrigation canal na sakop ng Barangay San Isidro, General Santos City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ng police regional office na isinumite kahapon sa Camp Crame, dakong alas-5 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Kryzel Diestro, estudyante sa Lagao National High School at residente ng Hermosa Subdivision ng nasabing lungsod.

Napag-alamang pumukaw ng atensyon ng magsasakang si Elizer Rodilla na bumisita sa kanyang bukirin sa Purok San Vicente ang masangsang na amoy na nagmumula sa inaanod na sako na pinagpipiyestahan na ng mga dagang bukid at langaw.

Nang inspeksyunin ni Rodilla, ang sako ay nadiskubre ang bangkay ng biktima na nakatali pa ng electric wire sa leeg at pinaniniwalaang halos sanlinggo ng patay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Regional Crime Laboratory Office (RCLO) 12, nabatid na ang biktima ay pinaslang sa sakal.

Isinailalim din sa masusing eksaminasyon ng medico legal expert ang bangkay upang alamin kung positibo ito sa rape.

Posibleng lango sa droga at wala sa katinuan ang gumawa ng krimen, ayon pa sa pulisya. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY SAN ISIDRO

CAMP CRAME

ELIZER RODILLA

GENERAL SANTOS CITY

HERMOSA SUBDIVISION

JOY CANTOS

KRYZEL DIESTRO

LAGAO NATIONAL HIGH SCHOOL

PUROK SAN VICENTE

REGIONAL CRIME LABORATORY OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with