^

Probinsiya

CARAGA Intel chief at mga tauhan sibak

-
CAMP CRAME – Dahil sa kontrobersyal na ilegal na pagsalakay sa kumbento ng mga madre sa Butuan City, Agusan del Norte noong nakalipas na Linggo, sinibak na kahapon ang buong puwersa ng CARAGA Intelligence and Investigation Division kabilang na ang kanilang hepe.

Sa phone interview, kinumpirma ni P/Chief Supt. Antonio Nañas, Police regional office director, ang pagsibak kay P/Supt. Wilfredo Reyes na pinalitan naman ni P/Chief Inspector Ruben delos Santos. Si Reyes ay itatalaga naman sa CARAGA Headquarters Service Group.

Kasalukuyan namang restricted sa kampo ang mga tauhan ni Reyes habang iniimbestigahan ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nasabing insidente.

"We will wait for the result of the investigation before we could implement any sanction against the raiding team," dagdag pa ni Nañas.

Noong Miyerkules (Nob. 1) ay sinalakay ng mga operatiba ng CARAGA Intel and Investigation Division na pinamumunuan ni Reyes ang kumbento ng Contemplatives of the Good Shepherd (CGS) sa Barangay Ampayon, Butuan City, matapos na makatanggap ng impormasyon na nagtatago sa nasabing kumbento si Jorge Madlos, spokeperson ng National Democratic Front-New People’s Army (NDF-NPA)  na nakabase  sa CARAGA.

Base sa reklamo ni Sister Gerlandine Ortuoste, acting coordinator ng nasabing kumbento, winasak ng raiding team at puwersahang binuksan ang gate ng mga mongha. Gayunman, nang makapasok ay saka lamang napagtanto ng mga pulis na nagkamali sila ng sinalakay.

Inirereklamo ng mga madre na walang maipakitang search warrant ang mga pulis nang salakayin ang kanilang kumbento.

Ang mapangahas na raid ay ikinaalarma ng Simbahang Katoliko kung saan kabilang si Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz sa bumatikos sa pulisya.

"Church workers are harassed, churchmen are killed. A bishop was murdered. Now, nothing else than a convent of the Contemplative Sisters of the Good Shepherd was raided. No search warrant. No suspect found. Sorry. Is that it?," ani Cruz.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos, miyembro ng Melo Commission na hihilingin niya sa komisyon na imbestigahan ang raid. (Joy Cantos)

ANTONIO NA

BARANGAY AMPAYON

BUTUAN BISHOP JUAN

BUTUAN CITY

CHIEF INSPECTOR RUBEN

CHIEF SUPT

CONTEMPLATIVE SISTERS OF THE GOOD SHEPHERD

CONTEMPLATIVES OF THE GOOD SHEPHERD

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with