Pamilya, 6 minasaker
November 4, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Masahol pa sa mabangis na hayop ang pumatay sa mag-asawa at apat nitong anak na natagpuang magkakapatong ang bangkay na pawang pinagtataga at pinagbabaril ng mga hindi kilalang kalalakihan habang natutulog ang mga biktima sa sariling tahanan sa Barangay Tumpa, Camalig, Albay kamakalawa ng gabi.
Kabilang sa mga biktimang minasaker na malapit na kamag-anak ni Barangay Captain Romeo Moral ay ang mag-asawang Jesus, 48 at Marlyn Moral, 40; mga anak na sina Pipoy,7; grade 1 pupil; Jesus Jr., 5; Joebet, 4; at Kenneth Moral, 2, na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Sa inisyal na ulat ni P/Senior Supt. Roque Ramirez, chief of police ng Albay, pinagbabato ang tahanan ng pamilya Moral bago winasak ang jalousie ng bintana at pumasok ang mga buhong na mamamatay-tao.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-9 ng gabi nang makarinig ang mga kapitbahay ng malalakas na kalabugan, mga panaghoy, iyakan na nagmamakaawa sa paghingi ng tulong sa loob ng tahanan ng mga Moral.
Gayunpaman, sa matinding takot na madamay sa panganib na kakaharapin ay minabuti ng mga kapitbahay ng pamilya Moral na magtengang kawali at hindi lumabas ng kanilang tahanan.
Bandang alas-5 ng umaga, kahapon ay nadiskubre ang brutal na krimen matapos na puntahan ng mga kamag-anak ang tahanan ng pamilya Moral kung saan ang insidente ay inireport sa pulisya.
Nagkalat ang malalaking tipak na bato sa crime scene maging ang mga dinding at halos buong panig ng kabahayan ay may bahid ng dugo.
Napag-alamang umuwi lamang si Jesus Moral mula sa Maynila bilang drayber upang dalawin ang puntod ng kanyang mga mahal sa buhay.
Ang bayan ng Camalig ay nasa loob ng idineklarang 6-kilometer permanent danger sa timog kanluran ng nag-aalborotong Mt. Mayon.
Ayon kay Ramirez, posibleng kilala ng pamilya Moral ang mga suspek kaya pati mga paslit ay idinamay para walang testigo sa krimen. (Ed Casulla At Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest