Municipal councilor bulagta sa NPA
November 2, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawa-katao kabilang ang municipal councilor ang iniulat na napatay sa pag-atake ng mga rebeldeng New Peoples Army sa Barangay Waterfall sa bayan ng Balingasag, Misamis Oriental kamakalawa.
Ayon sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon nang umatake ang mga rebelde kaya napatay ang itinuturong tiktik ng militar na si Saturnino "Dodo" Tagalog sa bisinidad ng nabanggit na barangay.
Agad na rumesponde ang pulisya kasama ang municipal councilor na si Eduardo "Ningning" Sausa.
Nabatid na habang papatakas sa crime scene ang mga rebelde sa direksyon ng Barangay Talusan ay nakasalubong nito ang mga awtoridad kaya umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng malalakas na kalibre ng baril na nauwi sa madugong bakbakan.
Gayunpaman, sa kainitan ng putukan ay minalas na mapuruhan ng bala ng baril sa katawan si Sausa at idineklarang patay sa Balingasag Community Hospital. Nasakote naman ang isa sa mga rebeldeng papatakas na nakilalang si Estrelyo, alyas Noli Tangwayon na ngayon ay ginagamot sa nasabing ospital dahil sa tama ng bala ng baril sa kaliwang hita.
Nagpapatuloy naman ang opersayon ng pulisya at military laban sa mga rebeldeng umatake. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 8 hours ago
By Cristina Timbang | 8 hours ago
By Tony Sandoval | 8 hours ago
Recommended