Kahera ng Walter Mart ni-rape slay sa apartelle

CAVITE – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 20-anyos na kolehiyala sa loob ng kanyang inuupahang apartelle makaraang halayin ay winasak pa ang maselang bahagi ng katawan ng biktima hanggang sa mapatay ng mga adik sa droga sa naganap na karahasan sa Barangay Zone 4, Dasmariñas, Cavite.

Kahapon lamang nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Ma. Rosario De Ocampo, dalaga, 4th year sa National College of Science and Technology (NCST) sa kursong Business Management at kawani ng Walter Mart bilang kahera.

Ayon kay PO3 Valero Bueno, nadiskubre ng utol na babae ng biktima ang krimen matapos na magtungo sa inuupahang kuwarto sa ikalawang palapag ng SJV Apartelle sa nasabing lugar.

Huling nakausap ni Baby Lovely Umali, ang kanyang utol noong Huwebes ng Oktubre 26 hanggang sa hindi na makontak kaya napilitang puntahan ng una.

Napag-alamang natagpuan ang bangkay ng biktima sa ibaba ng kama, nakagapos ang mga kamay, walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan, tadtad ng saksak at halos naagnas ang katawan.

Ayon pa sa pulisya, nawawala rin ang dalawang celfone, wallet na may malaking halaga, digital camera ng biktima.

Walang palatandaang pinuwersang buksan ang pintuan ng kuwarto ng biktima kaya posibleng kakilala nito ang killer na nakituloy. (Cristina Timbang)

Show comments