^

Probinsiya

Mag-utol binareta

-
CAVITE – Pinaniniwalaang away-kalye ang naging ugat kaya binareta sa mukha at ulo ang mag-utol ng kanilang kainuman na ikinasawi ng isa sa naganap na karahasan sa Barangay Pook 2, Silang, Cavite kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Jun Delos Santos, 22, habang nasa kritikal na kalagayan si William Delos Santos, 23.

Samantalang, tugis naman ng pulisya ang tumakas na suspek na nakilala lamang sa alyas Badong ng Barangay Poblacion 5 ng bayang nabanggit.

Ayon kay PO1 Erwin Laureles, nadiskubre ang krimen ganap na alas-7 ng umaga kahapon sa loob ng bodega na pag-aari ni Nicanor Cape.

Napag-alamang namataang magkakasamang nag-iinuman ng alak ang mag-utol at suspek nang makarinig ang ilang residente na nagsisigawan sa naturang lugar hanggang sa mamataang lumabas ang suspek na duguan ang kasuotan. (Cristina Timbang)

vuukle comment

AYON

BADONG

BARANGAY POBLACION

BARANGAY POOK

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

ERWIN LAURELES

JUN DELOS SANTOS

NICANOR CAPE

WILLIAM DELOS SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with