Kabilang sa mga sumuportang alkalde sa isinusulong na proyektong sanitary landfill ni Gov. Ayong Maliksi ay sina Mayor Walter Echevarria ng General Mariano Alvarez; Mayor Melencio de Sagun ng Trece Martires City; Mayor Renato Abutan ng bayan ng Rosario; Mayor OJ Ambagan ng Amadeo; Mayor Manuel Romera ng Mendez at Mayor Arlynn Torres ng Noveleta.
Ayon sa mga alkalde, ang sanitary landfill project ay mabebenipisyuhan ang lahat ng Caviteño at pinakamalaking kasagutan sa buong Cavite ang lumalalang problema sa basura. Sa mensahe ni Gob. Ayong Maliksi sa nakaraang presentasyon ng proyekto na ginanap sa International Institute for Rural Reconstruction sa Barangay Biga sa bayan ng Silang, Cavite, kanyang tiniyak na ang panukalang sanitary landfill ay solusyon at hindi problema at kung sakaling dumating ang pagkakataon na maari itong magdulot ng panganib sa mga mamamayan, hindi siya mag-aatubiling ipatigil ang operasyon nito.