^

Probinsiya

Cavite sanitary landfill project suportado ng mga alkalde

-
TRECE MARTIRES CITY, Cavite — Nagpahayag ng suporta ang mga alkalde ng iba’t ibang munisipyo ng Cavite sa isinusulong na proyektong sanitary landfill sa Ternate bilang pinakaepektibong solusyon sa problema ng basura sa ilalim ng Republic Act 9003 (Ecological Solid Waste Management Act).

Kabilang sa mga sumuportang alkalde sa isinusulong na proyektong sanitary landfill ni Gov. Ayong Maliksi ay sina Mayor Walter Echevarria ng General Mariano Alvarez; Mayor Melencio de Sagun ng Trece Martires City; Mayor Renato Abutan ng bayan ng Rosario; Mayor OJ Ambagan ng Amadeo; Mayor Manuel Romera ng Mendez at Mayor Arlynn Torres ng Noveleta.

Ayon sa mga alkalde, ang sanitary landfill project ay mabebenipisyuhan ang lahat ng Caviteño at pinakamalaking kasagutan sa buong Cavite ang lumalalang problema sa basura. Sa mensahe ni Gob. Ayong Maliksi sa nakaraang presentasyon ng proyekto na ginanap sa International Institute for Rural Reconstruction sa Barangay Biga sa bayan ng Silang, Cavite, kanyang tiniyak na ang panukalang sanitary landfill ay solusyon at hindi problema at kung sakaling dumating ang pagkakataon na maari itong magdulot ng panganib sa mga mamamayan, hindi siya mag-aatubiling ipatigil ang operasyon nito.

AYONG MALIKSI

BARANGAY BIGA

CAVITE

ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

GENERAL MARIANO ALVAREZ

INTERNATIONAL INSTITUTE

MAYOR ARLYNN TORRES

MAYOR MANUEL ROMERA

MAYOR MELENCIO

MAYOR RENATO ABUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with