^

Probinsiya

Sibilyan ginulpi ng 4 pulis-Batangas

-
BATANGAS CITY — Nalalagay ngayon sa balag ng alanganing masibak sa puwesto ang apat na berdugong pulis matapos na pagtulungang gulpihin ang isang 27-anyos na sibilyan sa bahagi ng Barangay Mahabang Parang, Batangas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Edmund Zaide, Batangas police director, ang biktimang si Richard Dinglasan ng nabanggit na barangay.

Si Dinglasan ay kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa Batangas Regional Hospital matapos sumabog ang kanyang lapay sa tindi ng pagkakabugbog ng apat na pulis.

Nahaharap naman sa mga kasong serious physical injury, abuse of authority at grave misconduct ang mga suspek na sina PO1 Melvin Bathan, PO2 Danilo Mercado, PO1 Christopher Casanova at PO1 Don Irvin Casayuran na pawang naka-assign sa himpilan ng pulisya sa Batangas City.

Ayon naman sa mga pulis, inaresto nila ang senglot na si Dinglasan matapos na suntukin nito si PO1 Bathan nang magtalo ang dalawa sa ’di pa malamang dahilan.

Siniguro naman ni Zaide na walang magaganap na cover-up sa isasagawang imbestigasyon laban sa mga inaakusahang alagad ng batas.  (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY MAHABANG PARANG

BATANGAS CITY

BATANGAS REGIONAL HOSPITAL

CHRISTOPHER CASANOVA

DANILO MERCADO

DON IRVIN CASAYURAN

EDMUND ZAIDE

MELVIN BATHAN

RICHARD DINGLASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with