Ayon kay Supt. Willy Atun, hepe ng Biñan Provincial Police, nabiktima ng nasabing grupo ang Toyota FX Wagon (TNT-620) ni Angelo Almonte, chief of reporters ng ABS-CBN- AM radio station DZMM habang nakaparada sa loob mismo ng Shell gasoline na matatagpuan sa north bound ng South Luzon Expressway (SLEX), Brgy. Mamplasan, Biñan bandang alas-6:30 ng gabi.
Base sa imbestigasyon, kagagaling lang ni Almonte sa isang shooting practice sa isang firing range sa Calamba City, Laguna nang huminto ito sa nasabing gas station para maghapunan sa Jollibee kasama ang kanyang asawang si Rose.
Matapos ang kanilang hapunan, nauna nang pumunta ni Rose sa kanilang sasakyan pero laking gulat nalang nito nang matagpuan ang kanilang van na basag ang kaliwang bintana at nawawala ang mga mahahalagang gamit sa loob nito.
Kabilang sa mga nawawalang gamit ay ang Rolex watch worth P100,000.00, isang Magnum .357 pistol (P35,000.00), Caliber .45 pistol (P65,000.00), caliber .40 pistol (P29,000.00), two way radio (P65,000.00), tape recorder (P1,800.00), cellphone (P3,800.00) at assorted ammunitions (P20,000.00).
Nagsasagawa naman na ngayon ang kapulisan ng masusing imbestigasyon para matukoy at maaresto ang mga salarin sa nasabing insidente.