Agrarian officer utas sa ambush
October 23, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Patay ang isang municipal agrarian officer matapos na ratratin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan ang behikulong sinasakyan nito sa Mati, Davao Oriental kamakalawa.
Ang biktima ay kinilalang si Dennis Nazareno, 52-anyos, Chief ng Municipal Agrarian Reform Office sa bayan ng Mati ng lalawigang ito.
Batay sa report ng Davao Oriental Provincial Police Office (PPO), naitala ang krimen sa downtown ng Mati dakong alas-8 ng umaga.
Sa imbestigasyon ng pulisya ang biktima ay kasalukuyang nasa loob ng nakaparada nitong sasakyan habang hinihintay ang kaniyang misis na nagwi-withdraw ng pera sa ATM machine nang biglang sumulpot ang dalawang armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo. Walang sabi-sabing bigla na lamang pinagbabaril ng dalawang suspek ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at matapos naman ang pamamaril ay parang walang anumang nangyari na mabilis na nagsitakas ang mga salarin.
Bagaman nagawa pang maisugod sa St. Camilius Hospital ang biktima ay nabigo na ang pagtatangka na maisalba ang buhay nito.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal. 45 caliber pistol. Pinaniniwalaang may kinalaman sa trabaho ang motibo sa pagpatay sa biktima. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest