^

Probinsiya

Mayor pa sa Camarines Sur, sinuspinde

-
CAMARINES NORTE – Nahaharap sa 2-buwang preventive suspension ang alkalde ng Libmanan, Camarines Sur hindi mula sa Malacañang kundi sa kanilang gobernador matapos na magharap ng reklamo ang Office of Senior Citizens Affair (OSCA) subalit nananatili pa rin sa kanyang tanggapan hanggang kamakalawa ng hapon.

Ang 60-days suspension kay Libmanan Mayor Rodolfo Jimenez, Sr. ay pinirmahan ni Camarines Sur Governor L-Ray Villafuerte noong October 12, 2006 at nakarating lamang sa mga department heads sa munisipyo ng Libmanan nitong Oktubre 17.

Kasong "gross neglect of duty" ang iniharap ni Konsehal Darius Nopra at Jose Dy laban sa kanilang alkalde makaraang hindi pirmahan ni Jimenez ang hinihinging sahod o salary grade ni Roberto Nopra, hepe ng (OSCA).

Depensa naman ng alkalde na kawalan ng sapat na pondo ng lokal na pamahalaan upang hindi makuha ng complainant ang kanyang hinihingi.

Hanggang kamakalawa ay nananatili pa rin sa kanyang puwesto si Jimenez at nagpahayag naman ng malaking suporta ang kanyang mga supporter buhat sa mga barangay official upang harangin ang suspension order na sinasabing isa lamang political harassment. (Francis Elevado)

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR GOVERNOR L-RAY VILLAFUERTE

FRANCIS ELEVADO

JIMENEZ

JOSE DY

KONSEHAL DARIUS NOPRA

LIBMANAN

LIBMANAN MAYOR RODOLFO JIMENEZ

OFFICE OF SENIOR CITIZENS AFFAIR

ROBERTO NOPRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with