2 holdaper tumba sa sekyu
October 19, 2006 | 12:00am
CAVITE Dalawang armadong kalalakihan ang iniulat na napatay ng security guard makaraang holdapin ng dalawa ang convenience store sa Brgy, Langkaan 2, Dasmariñas, Cavite kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay P/Supt. Mario Reyes, hepe ng Dasmariñas PNP, nabaril at napatay ni Rodel Medrano, security guard ng Mini-Stop Convenience Store sa loob ng First Cavite Industrial Estate sa nabanggit na barangay ang dalawang suspek na si Corporal Lito Peñaranda ng Phil. Navy ng Brgy. Biga, Tanza, Cavite, base na rin sa identification card na narekober sa katawan nito.
Samantalang hindi pa rin nakikilala ang isa pang napatay na holdaper na may edad na 40 hangang 45-anyos at may matipunong pangangatawan.
Sa ulat ng pulis, bandang alas-4 ng madaling-araw nang pasukin ng dalawang armadong suspek ang convenience store at magdeklara ng holdap matapos tutukan ng baril ang kahera. Didisarmahan pa sana ng mga suspek si Medrano, subalit naunahan sila ng putok ng guwardya na naging sanhi ng kanilang kamatayan.
Nakarekober ang mga awtoridad ng isang calibre 38 at isang cal. 45 baril mula sa mga napatay na suspek. (Cristina Timbang/Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest