Ang Marines mula sa 3rd Marine Expeditionary Brigade, 3rd Marine Expeditionary Force mula sa Okinawa, Japan ay nasa Subic bilang bahagi ng advance team element ng US Forces na magpapartisipa sa darating na Talon Vision and Amphibous Landing Exercise (PHIBLEX).
Nabatid na umabot sa 30 oras ang itinagal na biyahe sa karagatan via Westpac Express na kinokonsidera na isa sa mga pinakamabilis na sea vessel ng US Army.
Ang mga sundalong Amerikano ay agad na itinalaga sa ibat ibang participating points sa Central Luzon gaya ng Clark, Pampanga; Ternate, Cavite at Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.
Napag-alaman na aabot sa 7,000 sundalong Amerikano at Pinoy ang sasali sa nasabing ehersisyo na magsisimula sa Oktubre 16 hanggang 31 bilang bahagi ng long-term Security Assistance Program ng nabanggit na dalawang bansa.
Sinalubong naman ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Administrator Armand Arreza ang pagdating ng PHIBLEX participants at tiniyak nito ang kanilang seguridad at kaligtasan sa pananatili sa Subic.