^

Probinsiya

Sasabak sa RP-US Bilateral exercise: 450 US Marines dumating sa Subic

- Bebot Sison Jr. -
May 450 miyembro ng United States Marines ang dumating sa Subic Bay sakay ng Westpac Express, dalawang araw bago simulan ang pagbubukas ng taunang joint bilateral training exercises na isinasagawa sa pagitan ng Arned Forces of the Philippines (AFP) at ng US military.

Ang Marines mula sa 3rd Marine Expeditionary Brigade, 3rd Marine Expeditionary Force mula sa Okinawa, Japan ay nasa Subic bilang bahagi ng advance team element ng US Forces na magpapartisipa sa darating na Talon Vision and Amphibous Landing Exercise (PHIBLEX).

Nabatid na umabot sa 30 oras ang itinagal na biyahe sa karagatan via Westpac Express na kinokonsidera na isa sa mga pinakamabilis na sea vessel ng US Army.

Ang mga sundalong Amerikano ay agad na itinalaga sa iba’t ibang participating points sa Central Luzon gaya ng Clark, Pampanga; Ternate, Cavite at Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Napag-alaman na aabot sa 7,000 sundalong Amerikano at Pinoy ang sasali sa nasabing ehersisyo na magsisimula sa Oktubre 16 hanggang 31 bilang bahagi ng long-term Security Assistance Program ng nabanggit na dalawang bansa.

Sinalubong naman ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Administrator Armand Arreza ang pagdating ng PHIBLEX participants at tiniyak nito ang kanilang seguridad at kaligtasan sa pananatili sa Subic.

vuukle comment

ADMINISTRATOR ARMAND ARREZA

AMERIKANO

ANG MARINES

ARNED FORCES OF THE PHILIPPINES

CENTRAL LUZON

FORT MAGSAYSAY

MARINE EXPEDITIONARY BRIGADE

MARINE EXPEDITIONARY FORCE

NUEVA ECIJA

WESTPAC EXPRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with