Milyong ari-arian sinunog ng NPA
October 13, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Tinatayang aabot sa milyong ari-arian ang sinunog ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) makaraang lusubin ang malaking construction site sa Lupon, Davao Oriental, ayon sa ulat ng pulisya. Batay sa ulat ng Davao Oriental Provincial Police Office (PPO), dakong alas-10 ng gabi nang atakihin ng mga armadong rebelde ang RJT Construction sa Barangay Calapagan, Lupon ng nasabing lalawigan. Hindi naman nakapalag ang mga bantay na security guard at ilang trabahador sa construction sa takot na mapatay. Agad na binuhusan ng gasolina ng mga rebelde ang isang yunit ng bulldozer hanggang sa masunog at bago tuluyang nagsitakas ay niransak pa ang tanggapan saka tinangay ang mga gamit na mapapakinabangan. May teorya ang pulisya na tumangging magbigay ng revolutionary tax ang may-ari ng nasabing konstrukyon. (Joy Cantos)
CAMP CRAME Umaabot sa Limampung pekeng sekyu na nakaposte sa ibat ibang establisyemento sa Clark Special Economic Zone (CSEZ) ang dinakma ng PNP-Security Agency Guards Supervision Division na nakabase sa Camp Crame kaugnay ng malawakang crackdown operation laban sa mga tiwaling ahensya ng mga guwardya sa bansa. Ayon kay SPO4 Ricardo Tolentino, assistant team leader ng SAGSD, nilabag ng mga nasakoteng bogus na guwardya ang regulasyon dahil sa peke ang mga lisensya ng mga ito. Bukod dito, hindi lisensyado ang mga armas at hindi rin awtorisadong magsuot ng uniporme ng security guard ang mga nasakoteng pekeng sekyu. Kaugnay nito, nakatakda namang panagutin ng mga awtoridad ang anim na security agencies na nagpapagamit sa mga guwardiya ng baril na walang lisensya at maging ang mga pekeng guwardya ay sasampahan naman ng kasong kriminal. (Joy Cantos at Resty Salvador)
LUCENA CITY Kulungan ang binagsakan ng isang 36-anyos na mister makaraang sampahan ng kasong pananakit ng sariling misis sa Barangay Cotta, Lucena City, Quezon kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ng physical injury at violence against women ang suspek na si Harold Ceruzena, samantalang ang biktima ay itinago sa pangalang Melba, 37 at kasalukuyang guro sa hayskul. Ayon kay SPO1 Elenor Paulite, matagal na umanong sinasaktan ang biktima, subalit hindi makapagreklamo sa kinauukulan ang biktima. Dahil sa muling pananakit ng suspek sa kanyang misis at pagtangay sa malaking halaga at mamahaling alahas ay tuluyang ipinakulong ang sariling mister. (Tony Sandoval)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 4 hours ago
By Cristina Timbang | 4 hours ago
By Tony Sandoval | 4 hours ago
Recommended