Nakatagong itim na budhi
October 8, 2006 | 12:00am
SAN JORGE, Samar May mga taong niyurakan na ang kanilang dangal, subalit nakangiti pa rin at nagpapakumbaba. Sila ang mga taong may kakaibang estilo kung maghiganti.
Sa isang kisap-mata ng pagkakamali ay nabago ang inog ng mundo ng isang retiradong pulis na itago natin sa pangalang Armando matapos ang insidente sa kanyang buhay na itinago niya sa sariling pamilya maging sa kamag-anakan sa napakahabang panahon.
Sa pagbabalik-tanaw, 1980s nang mahirang si Armando bilang hepe ng pulisya sa kilalang lungsod ng Leyte. Naging napakarangya ng kanyang pamumuhay kasama ang kanyang asawa at nag-iisang anak na si Armando Jr.
Sa kabila ng karangyaan na kanilang tinatamasa hindi niya makalimutang tumulong sa kanyang mga kababayan. Nagpaaral siya sa mga kapus-palad na estudyante sa sekondarya at kolehiyo. Isa na rito si Lilian, isang mahinhin at mabait, panganay na anak ng isang biyuda.
Habang nag-aaral sa sekondarya si Lilian, tumutulong siya sa mga gawaing-bahay ni Armando. Naglalaba, nagluluto at naglilinis ng bahay sa tuwing wala siyang pasok sa eskuwelahan. Bagamat mabait si Armando kay Lilian, hindi maitatagong umiiwas ang dalagita sa kanya hanggang sa dumating ang pagkakataon na layasan nito ang pamilya ni Armando.
Pinatawag ni Armando, ang ina ni Lilian upang ipaliwanag kung bakit tumigil sa pag-aaral ang dalagita at nagkukulong sa bahay.
Nalaman nila na hindi na matino ang pag-iisip ng dalagita at natatakot sa tuwing may nakikitang lalaki. Hindi naman alam ni Armando ang gagawin, nag-alok siya ng malaking halaga sa biyuda upang ipagamot ang anak nito, subalit yumuko lamang ito at malumanay na nagsabi.
"Ayaw na hito sir, amon nala igpapasa Diyos" (Wag na sir, ipapanalig na lang namin sa Diyos) at dahan-dahan itong lumabas sa kanilang tahanan, subalit ang mga mata nito ay punumpuno ng pagkasuklam. Bago pa ito lumabas isang pinid na ngiti ang itinapon nito kay Armando.
Paglipas ng pitong Biyernes matapos ang pagdalaw ng ina ni Lilian sa bahay ng pamilya ni Armando, isang nakakagilalas na sigaw ang narinig sa bahay nila Armando dakong alas-6 ng hapon. Animoy tinutusuk-tusok ng karayom ang ari ng lalaki. Walang kasing sakit ang kanyang nararamdaman.
Sa tuwing umiihi si Armando ay may lumalabas na maliliit na tinik ng kawayan. At unti-unting napupudpod ang kanyang pagkalalaki.
Malinis si Armando sa mga mata ng kanyang pamilya, mga kaibigan, subalit ang kanyang konsensiya ay umuusig sa kanyang nakaraan. Isang nakaraan na kahit kailan ay ayaw niyang mabunyag dahil sa pangalan na kanyang dinadala sa alta-sosyedad. Ang pagdurusa niya ay sampung doble pa sa kanyang nagawa sa nakaraan.
December 1987, dakong alas-2 ng madaling-araw nang bumangon si Armando, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kuwartong tinutuluyan ni Lilian. Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito at hayok na hayok na isinagawa ang maitim na balak sa dalagita. Pagkatapos mailugso ang kapurihan ng dalagita ay tinakot niya ito na palalayasin kung magsusumbong kaninuman. (Ang kuwentong inyong nabasa ay batay sa paglalahad ng isang retired police ng San Jorge, Samar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest