Tiyuhin kinatay ng pamangkin
October 8, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 48-anyos na mister ng kanyang pamangking lalaki habang nakikipag-inuman ng alak sa kasalan sa Sitio Santol, Barangay Sta. Teresita, Iriga City kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Heriberto Sanlay, samantalang sumuko naman ang suspek na si Francisco Decepeda na kapwa residente ng nabanggit na barangay. Ayon sa tagapagsiyasat, magkasamang nag-iinuman ng alak sa kasalan ang dalawa at ilang bisita nang magtalo ang magtiyuhin. Agad na umalis sa grupo ang suspek at nang bumalik ay pinagtataga na ang biktima sa harap mismo ng mga bisita. (Ed Casulla)
CAMARINES NORTE Kalaboso ang binagsakan ng dating sundalo ng AFP makaraang ireklamo sa kasong rape laban sa isang 14-anyos na dalagang may kapansanan sa pag-iisip sa Purok 1, Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng ama ng biktima ang suspek na si Ramon Saavedra, 46. Napag-alamang pinakain muna ng suspek ang biktima sa pamilihang bayan ng Daet saka isinakay sa traysikel patungo sa nabanggit na barangay. Agad namang natunton ang pinagdalhan sa biktima matapos na kilalanin ng ilang nakakita sa suspek na kasama ang biktima sa traysikel. Pinabulaanan naman ng suspek ang akusasyon ng ama ng biktima. (Francis Elevado)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest