5 sinalvage natagpuan
October 7, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Limang bangkay na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na bayan ng Victoria, Tarlac at Guimba, Nueva Ecija kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 3 Director Chief Supt. Ismael Rafanan, ang mga biktima na sina Jenny Agpas y Dadulla ng Tandag, Surigao; Aileen Alib y Gallardo ng Barangay Paginag, Balagtas, Bulacan; Isidro Marzan y Francisco ng Gapan, Nueva Ecija; Nelson Guillen y Pelonia ng Barangay San Nicolas, Gapan, Nueva Ecija; at si Felix Galinzaga y Cocillo ng Pasay City.
Napag-alamang sina Agpas, Alib at Galinzaga na pawang may mga tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ay natagpuan sa liblib na bahagi ng bayan ng Guimba, Nueva Ecija, samantalang sina Marzan at si Guillen naman ay natagpuan sa bayan ng Victoria, Tarlac.
Narekober naman ng pulisya ang inabandong L-300 van sa kalagitnaan ng nasabing lugar kung saan itinapon ang bangkay ng mga biktima.
Nabatid na ilang concerned citizen ang tumawag kahapon ng umaga sa himpilan ng pulisya at ipinagbigay-alam ang nadiskubreng mga bangkay.
Blangko pa rin ang mga awtoridad sa tunay na motibo ng pamamaslang at isa sa mga tinututukang anggulo ay kung may kaugnayan sa bawal na gamot. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended