Asawa ng Indo terrorist timbog

CAMP CRAME – Dalawang terorista kabilang ang isang babaeng Indonesian na pinaniniwalaang asawa ng tinutugis ng militar na top ranking Jemaah Islamiya terrorist leader ang naaresto sa bahagi ng Sulu kamakalawa.

Batay sa sketchy report, nasakote ang isang alyas Istiada Oemar Sovie at kasalukuyang bineberipika ang personalidad nito na asawa ni Dulmatin na isang bomb expert at top regional terrorist na may reward na $10 milyon, buhay man o patay.

Sinasabing hindi kaagad maiuugnay ang babae sa mga aktibidad ng terorista, subalit pinipigil ito sa posibleng paglabag sa immigration laws.

Ang asawang Indonesian ni Dulmatin ay nadakip sa bulubunduking bahagi ng Patikul, Jolo noong Miyerkules.

Habang nadakip naman ng mga tauhan ng Army’s 5th Scout Ranger Company (5src) ng 2nd Scout Ranger Battalion si Nadmir Abduraji Amad sa Barangay Bandang, Talipao, Sulu, ayon sa ulat ni Western Mindanao Command Chief Major Gen. Eugenio Cedo.

" The arrest of this terrorist just proves that people of Sulu are supporting the anti-terrorist campaign of the AFP," dagdag pa ni Cedo. (Joy Cantos)

Show comments