P3.2-M piyesa ng motorsiklo hinayjack
October 4, 2006 | 12:00am
CAVITE Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang napaulat na nawawalang six-wheeler truck na naglalaman ng mga piyesa ng motorsiklo na hinayjack ng mga nagpanggap na pulis sa kahabaan ng Governors Drive sa bayan ng Carmona, Cavite, kamakalawa.
Base sa ulat ng tagapagsiyasat na isinumite kay Cavite police director Senior Supt. Benjardi Mantele, bandang alas-2 ng hapon nang parahin ng apat na kalalakihan, isa rito ay nakasuot ng uniporme ng pulis ang six-wheeler truck (VCE-752) na minamaneho ni Felicito Mape Jr., 51.
Napag-alamang isinakay sa isang kulay pulang sasakyan si Mape kung saan piniringan at tinakpan ang bibig nito habang minaneho at dinala naman ng dalawang hijacker ang naturang truck sa Calamba City, Laguna na pag-aari ng Yazaki Torres.
Bandang alas-5:50 ng hapon nang iniwan ng mga suspek ang driver ng truck sa bahagi ng Barangay Muzon sa Taytay, Rizal at tinangay na ang kargamento na nagkakahalaga ng P3.2 milyon.
Kasalukuyang bineberipika kung mga tunay na pulis nga ang may kagagawan sa krimen. (Arnell Ozaeta at Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest