Tsinoy trader nilikida
October 3, 2006 | 12:00am
BATANGAS CITY Isang kilalang negosyanteng Tsinoy ang iniulat na napatay samantalang sugatan naman ang isang tauhan nito makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong kalalakihan habang nagbabantay ng pag-aaring KTV bar ang biktima sa Barangay Cuta, Batangas City, Batangas kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Edgar Dy, 45, nagmamay-ari ng Korakia KTV Bar, Dayton Hardware at Korakia Dreaming Inn na matatagpuan sa lungsod na nabanggit.
Sugatan naman at ginagamot sa St. Patrick Hospital ang band singer ni Dy na si Ellen Grace Cortez, 18, isang miyembro ng Dynamic Female Band matapos magtamo ng sugat sa kanyang kanang tuhod mula sa ligaw na bala.
Ayon sa tagapagsiyasat na si SPO4 Danilo Magtibay, abalang nag-aasikaso ng mga customer si Dy nang biglang lapitan ng dalawang lalaki na kapwa naka-baseball cap at sunud-sunod na pinaputukan ito bandang ala-1:25 ng madaling-araw.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang dalawang suspek at sumakay sa isang motorsiklo na nag-aabang ilang metro ang layo na minamaneho ng isa pang kasabwat bago sumibat.
Sinikap na maisalba ang buhay ni Dy sa Golden Gate Hospital, subalit sinalubong din ni kamatayan dahil sa mga tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan. Sinisilip ng pulisya kung may kinalaman ang pamamaslang sa mga negosyo ng biktima. (Arnell Ozaeta, Ed Amoroso at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest