Coed pumalag sa holdap, sinaksak
October 2, 2006 | 12:00am
Isang dalagitang estudyante ang nasa kritikal na kondisyon matapos na saksakin ng nag-iisang holdaper nang tumangging ibigay ang kanyang cellphone sa nangyaring insidente sa Cebu City kamakalawa.
Ang biktima na itinago sa pangalang Anna, estudyante ng Basak National High School ay patuloy na nagpapagaling sa Cebu City Medical Center bunga ng tinamong tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan.
Arestado naman ang suspek na si Erick Benabiente, 20, binata na nahaharap ngayon sa kasong robbery with serious physical injuries.
Batay sa ulat, dakong alas-5 ng hapon habang naglalakad ang biktima papauwi na sa kanilang bahay mula sa eskuwelahan nito sa Sitio Cabrerors, Brgy. Basak, San Nicolas nang biglang sumulpot ang suspek. Agad na nagdeklara ng holdap ang suspek kasabay ng pagtutok ng patalim sa dalagita. Sapilitang kinukuha ng suspek ang 3315 Nokia cellphone ng biktima na mabilis nitong itinago at tumangging ibigay sa una. Nagalit ang suspek kaya agad na inundayan ng saksak ang biktima sa tagiliran nito bago kinuha ang cellphone.
Habang papatakas ang suspek ay hinabol naman ng taumbayan hanggang sa masukol ito at maaresto. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest