Kinilala ni Superintendent Steve Ludan, group director ng 406th Provincial Mobile Group ang mga biktimang nasawi na sina Gregorio Laganzon, 75; Camille Laganzon, 7; John Lloyd Laganzon, 2; Elmer Maloles, 30; Porfirio Sullege, 44; Kristine Toledo, 20; Irene Sevilla, 27 at Dionisio Sevilla, 30, na pawang nalibing sa Barangay Bagong Silang, Los Baños, Laguna.
Anim namang kaanak ng mga namatay ang nawawala pa rin na kinilalang sina Shirley Millera, 31; Marcelo Millera, 28; Cynthia Toledo, 15; Carlo Toledo, 13; Marcelina Laganzon, 31 at Jerry Ramos, 22.
Samantala, dalawa namang bangkay mula sa isang pamilya na natabunan din sa naganap na landslide sa Calauan, Laguna ang nahukay ng rescue and retrieval team ng PNP at Army noong Biyernes ng umaga.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Julius Magsino, 17 at Elena Lastimosa, 76, matapos matabunan naman ng putik at bato ang kanilang bahay sa Sitio Lanzonesan, Barangay Limao, Calauan Laguna noong Huwebes ng umga habang binabayo ng bagyo ang kanilang barangay.
Tatlo naman sa mga kaanak ng mga Lastimosa ang nanatili pa rin sa ilalim ng natabunang bahay na kinilalang sina Marcelino, 48; Federico at Gerry na pawang may mga apelyidong Lastimosa.
Patuloy naman ang paghuhukay ng mga tauhan ng 406th Provincial Police Mobile Group, Laguna PNP at 202nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa mga natitirang biktima na nasa ilalim pa rin ng gumuhong lupa. (Arnell Ozaeta at Joy Cantos)