^

Probinsiya

Power supply sa Albay matatagalan bago maayos

-
CAMP CRAME – Aabot sa halos isang buwan bago tuluyang manumbalik sa normal ang kabuuang operasyon ng power supply sa Albay sa Bicol Region matapos itong wasakin ng pananalanta ng bagyong "Milenyo".

Sa report na tinanggap kahapon ni Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator Dr. Anthony Golez Jr., mula kay Legazpi City Mayor Noel Rosal, winasak ni "Milenyo" ang power at communication lines sa Albay at Sorsogon.

Nabatid na maraming poste ng kuryente at mga puno ang ibinuwal ng malakas na bagyo kung saan patuloy ang isinasagawang clearing operations sa naturang lalawigan.

Kaugnay nito, base pa rin sa ulat ng OCD, umaabot sa 12,345 pamilya o kabuuang 60,80 katao mula sa Region IV, V, VII, VIII at NCR ang naapektuhan ng bagyong Milenyo. Sa naturang mga lugar ay mas higit na dumanas ng dagok ang mga residente ng Albay at Sorsogon.

Samantalang, isa ring tornado ang iniulat na tumama sa Calabanga, Camarines Sur. (Joy Cantos)

AABOT

ALBAY

BICOL REGION

CAMARINES SUR

DR. ANTHONY GOLEZ JR.

JOY CANTOS

LEGAZPI CITY MAYOR NOEL ROSAL

MILENYO

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

SORSOGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with