^

Probinsiya

Mga Armas Tinangay: Security agency sinalakay ng NPA

-
CAMP CRAME – Sinalakay ng mga armadong rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang security agency bago tinangay ang mga malalakas na kalibre ng baril sa Mampising, Barangay Tagnanan sa bayan ng Mabini, Compostella Valley kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Police Regional Office 3, dakong alas-7 ng gabi nang salakayin ng mga rebelde ang ACD Security Agency na nakabase sa Barangay Turtoga Valley Plantation, Inc.

Nabatid na ang mga rebelde ay dumaan sa likurang bahagi ng plantasyon at isinagawa ang kanilang pagsalakay. Wala namang nagawa ang mga security personnel matapos na tutukan ng baril at isa’t isang disarmahan ng mga rebelde.

Kabilang sa natangay ay isang M16 rifle na may anim na bala at isang mahabang magazine, tatlong shotgun na may 67 bala, dalawang cal. 38 revolver, tatlong handheld radio atbp.

Ang mga rebelde ay mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Upper Pangibiran lulan ng dalawang public utility L 300 vans na kulay puti, isang Elf truck at isa pang L 300 van na may plaka namang LWL736.

Tugis naman ng mga elemento ng 110th Provincial Police Mobile Group at ang Army’s 101st Brigade ang mga rebelde. (Joy Cantos)

BARANGAY TAGNANAN

BARANGAY TURTOGA VALLEY PLANTATION

COMPOSTELLA VALLEY

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

POLICE REGIONAL OFFICE

PROVINCIAL POLICE MOBILE GROUP

SECURITY AGENCY

UPPER PANGIBIRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with