^

Probinsiya

Kongresista, boluntaryong nagpa-suspinde

-
Tinanggap kahapon ng Sandiganbayan Fourth Division ang mosyon ni Oriental Mindoro Rep. Rodolfo Valencia (1st Dist.) na boluntaryong ilagay ang kanyang sarili sa 90-araw na suspensiyon kaugnay sa kinakaharap na kasong katiwalian na isinampa laban sa kanya noong gobernador pa lamang siya ng nasabing lalawigan.

Dahil sa kanyang ipinakitang ‘statesmanship’, pinuri ng korte si Valencia na kabaliktaran naman sa ginawa ni Oriental Mindoro Rep. Alfonso V. Umali (2nd Dist.) na patuloy na hindi tinatanggap ang suspensiyon na ipinalabas noon pang Enero 27, 2005.

Base sa ipinalabas na court order, dapat ding ihinto ni Umali ang pagtugon sa kanyang tungkulin bilang bahagi ng suspensiyon at hindi na rin ito dapat tumanggap ng mga benepisyo at prebelihiyong ibinibigay sa isang congressman sa loob ng 90-araw.

"The accused Umali is directed to cease and desist fom exercising the functions and receiving benefits and privileges of his position for a period of ninety days immediately upon receipt of this Resolution", anang korte.

Sina Valencia at Umali ay inakusahan ni Alfredo Atienza, isang private citizen nang illegal disbursement ng pondo na nagkakahalaga ng P2.5 milyon noong 1994 kung saan gobernador pa lamang si Valencia at provincial administrator naman si Umali.

Kasama rin sa kaso sina dating vice governor Pedrito Reyes at incumbent board member Jose Leynes.

Inapela ng dalawang mambabatas ang suspensiyon, subalit ibinasura ng korte ang kanilang motion for reconsideration noong Abril 1, 2005. Magugunitang tumanggi rin ang liderato ng House of Representative na ipatupad ang suspensiyon dahil idadaan pa ito sa House Committee on Ethics. (Malou Escudero)

ALFONSO V

ALFREDO ATIENZA

HOUSE COMMITTEE

HOUSE OF REPRESENTATIVE

JOSE LEYNES

MALOU ESCUDERO

ORIENTAL MINDORO REP

PEDRITO REYES

RODOLFO VALENCIA

UMALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with