Vice gov. kinasuhan uli sa Ombudsman
September 27, 2006 | 12:00am
BATANGAS CITY Hindi pa man nareresolba ang kasong murder at frustrated murder na isinampa ni Batangas Governor Arman Sanchez laban kay Vice Governor Ricky Recto at 6 na iba pa, panibagong kaso na naman ang inihain laban sa huli at dalawa pang tauhan nito sa Ombudsman.
Sa 4-pahinang complaint-affidavit na inihain ni Sanchez kay Director Marlene Galvez ng Public Assistance Bureau ng Ombudsman, pormal na inireklamo ng gobernador si Recto at mga tauhan nitong sina Joseph Picart at Philip Piccio na kasong falsification of public and official documents.
Ayon kay Sanchez, nagsabwatan ang tatlo sa pamemeke ng daily time record (DTR) sa pagpasok sa opisina ni Piccio ng siyam na beses habang ito ay nasa Maynila at dumalo ng mga aktibidades ng Parents Enabling Parents (PEP) Coalition noong April hanggang May 2006.
Si Piccio ay tumatayong presidente ng PEP Coalition at chief of staff din sa opisina ni Recto sa Kapitolyo ng Batangas.
Nadawit naman si Picart, bilang executive assistant ni Recto na siyang pumipirma ng DTR ni Piccio upang kumatawan sa bise gobernador.
Pinagbasehan ni Sanchez, ang mga ebidensya ng DTR ni Piccio na may entry record na 8 am-5 pm sa Kapitolyo, samantalang nakikita naman siya sa telebisyon at naririnig sa radio interview sa Maynila habang dumadalo sa mga aktibidades ng PEP coalition sa ganong oras din.
Sa ginawang panayam ng PSN kay Picart at Piccio, hindi na muna sila magbibigay ng comment habang hindi pa natatanggap ang reklamo laban sa kanila.
Samantala, mariin namang itinanggi ni Recto na may pinirmahan siyang mga DTR ni Piccio at naninindigan na wala siyang alam sa naganap na transaksyon. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 5 hours ago
By Cristina Timbang | 5 hours ago
By Tony Sandoval | 5 hours ago
Recommended