^

Probinsiya

Nene todas sa Aedes mosquito

-
BALANGA CITY, Bataan — Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 4-anyos na nene matapos dapuan ng dengue hemorrhagic fever mula sa Aedes, day-biting mosquito kahapon ng madaling-araw sa Barangay Central, Balanga City, Bataan.

Nasawi sa James Gordon Hospital sa Olongapo City, ang biktimang si Angelica Sapa ng nabanggit na barangay.

Napag-alamang isinugod sa St. Joseph Hospital ang biktima noong Lunes (September 11) dahil sa matinding lagnat at dahil sa rekomendasyon ng doctor ay mabilis na inilipat sa nabanggit na ospital para lalong malapatan ng gamot hanggang sa bumigay ang bata.

Matatandaang umabot sa 80-katao ang positibong dinapuan ng dengue mula Enero hanggang Setyembre kung saan dalawa ang kumpirmadong namatay sa Bataan.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Dr. Marck Banzon, health officer ang taumbayan na patuloy na linisin ang kanilang kapaligiran upang hindi mamahay ang Aedes, day-biting mosquito na nagdadala ng dengue virus. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

ANGELICA SAPA

BALANGA CITY

BARANGAY CENTRAL

DR. MARCK BANZON

ENERO

JAMES GORDON HOSPITAL

JONIE CAPALARAN

KAUGNAY

OLONGAPO CITY

ST. JOSEPH HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with