3 mag-aama todas sa sunog

NAGA CITY, Camarines Norte – Malagim na kamatayan ang sinapit ng tatlong mag-aama makaraang makulong sa nasusunog na bahay sa Ateneo Avenue, Naga City, Camarines Norte kamakalawa ng madaling-araw. Ang bangkay ng mag-amang Antonio Adan, 44 at Simon,11 ay natagpuang magkayakap sa loob ng palikuran, habang ang dalagang anak na si Christine ay nadiskubre sa ikatlong palapag ng kanilang bahay na tinupok ng apoy

Naitala ang insidente ganap na alauna y medya ng madaling-araw matapos na magsimula ang apoy sa bahagi ng kusina na matatagpuan sa unang palapag ng naturang lugar.

Naniniwala ang mga awtoridad na hindi nakababa ang mga biktima dahil sa makapal ang usok na nagmumula sa ibaba ng kanilang bahay.

Posible rin na naghahanap ng bintana na malalabasan ang mga biktima, subalit pawang mga rehas na bakal ang paligid kaya hindi na nakaligtas sa karit ni kamatayan.

Naapula naman kaagad ang apoy matapos na rumesponde ang mga pamatay-sunog habang inaalam pa ang halaga ng ari-arian na tinupok ng apoy. (Francis Elevado)

Show comments