Sa ulat ng Mandaue City Police, nakilala ang nasawi na Felipe Hermosa at isa pang hindi nakilalang babae.
Agad namang pinawi ni AFP Centcom Spokesman Col. Jefferson Omandam, ang anggulong terorismo matapos na lumutang ang mga espekulasyon na may kinalaman ang pagsabog sa pagdiriwang ng ika-5 taong anibersaryo ng 9/ 11 terror attack sa Estados Unidos .
Naitala ang pagsabog ganap na alas-8 ng umaga sa 2-storey building na kinaroroonan ng isang auto supply shop, laundry at furniture shop.
Kabilang sa mga biktimang sugatan na dumaraan sa nasabing lugar ay sina Elizabeth, Rolando Booc, Trosio Genaro, Elvie Sanchez, Vicente Maloloy-on, Carmela Cabago, Ma., Luisa Cabago, Rosemarie Cabago at Marjorie Tiglao.
Magugunita na inalerto ng PNP, ang lahat ng units nito kahapon kaugnay ng posibleng paglulunsad ng mga pag-atake ng mga teroristang grupo sa ika-5 taong anibersaryo ng 9/11 attack sa Estados Unidos habang ang Cebu rin ang magsisilbing venue ng summit ng Association of Southeast Asian Nations sa Disyembre 2006. (Joy Cantos)