Naghahanap ng hustisya
September 11, 2006 | 12:00am
Nadatnan ni Elmo na may kasamang lalaki sa silid nila si Celia at sa kabiglaan ay aktong kukuha ng itak ang una para patayin ang kanyang asawa at kalaguyo, subalit pagtalikod niya ay inundayan nang suntok ng lover ni Celia.
Pinagtulungan ng dalawa si Elmo na igapos at nilagyan ng takip ang bibig upang hindi mabulabog ang kanilang kapitbahay bago pinagtataga at nang masigurong patay na ay binalot ng kumot.
Maingat na ipinasok sa poso Negro ang bangkay ni Elmo na nakabalot ng kumot habang tahimik na nakamasid ang batang si Pido na nagising sa komusyon.
Pinalabas ng magkalaguyo na nagtanan si Elmo ng ibang babae at tinakasan ang kawawa niyang asawa.
Dahil plastado ang brutal na krimen at walang iniwang anumang bakas ay napaniwala nila ang mga kanayon kabilang na ang mga kaanak, subalit may munting saksi sa brutal na krimen.
Ang poso negro kung saan inilibing ang bangkay ni Elmo ay kaagad na tinabunan ng lupa at ginawang kulungan ng baboy. Nagsadya pa sa himpilan ng pulisya si Celia upang ipagbigay-alam ang ginawa ng kanyang asawa.
Lumuluha si Celia habang humihingi ng tulong sa mga barangay opisyal para sa pinansiyal na suporta sa kaniyang tatlong anak.
Kaya lahat ng mga inarte ni Celia na panlilinlang ay pinaniwalaan ng mga residente ng nabanggit na barangay, subalit nadiskubre ang krimen noong 1998.
Sa ngayon, tahimik na ang kaluluwa ni Elmo na nagmumulto, wala nang itim na pusa na tatawid sa kalsada, wala nang duguang lalaki na kakaway sa kalsada at wala nang lalaking naninigarilyo sa balkunahe ng bahay ni Celia. Ilang taon nang nakakulong ang magkalaguyo matapos na bumalik sa nabanggit na bayan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am