^

Probinsiya

Pawshop nilooban: P18-M tangay

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Aabot sa P18 milyong piso na halaga ng mga alahas, cellphone at cash ang natangay ng mga ‘di nakikilalang mga magnanakaw matapos na pasukin ang isang pawnshop sa Brgy. San Jose, Virac, Catanduanes kamakalawa. Dakong alas-7:30 ng umaga nang pasukin ang Abella pawnshop na pag-aari ni Delfin Abella. Nadiskubre ang panloloob nina Michelle Manglangit, kahera; Cielo Pablo, volt custodian at Maximo Pablo, asawa ni Cielo nang pumasok ang mga ito kinaumagahan. Sinira ng mga suspek ang bakal na grill sa likurang bahagi ng pawnshop at gumawa ng butas patungo sa main vault at gumamit ng acetylene upang mabuksan ang vault. Matapos ay kinuha ang nakalagay na cash, cellphone at mga alahas na nakasanla dito. Narekober ng mga awtoridad ang isang superkalan (gas tank), crowbar at iba pang mga kagamitan na ginamit ng mga suspek sa pagnanakaw. (Ed Casulla)
Trader inambus, todas
SAN MARCELINO, Zambales – Isang 48-anyos na negosyante ang nasawi matapos na tambangan at pagbabarilin ng mga ‘di kilalang kalalakihan sa Olongapo City, kamakalawa. Si Edgardo Laxamana Ong, may-asawa ay binawian ng buhay sa James Gordon Memorial Hospital ng lungsod sanhi ng mga tama ng bala sa katawan, mula sa ’di pa malamang kalibre ng baril. Ayon kay Benigno Ong, nakatatandang kapatid ng biktima, inabangan ng mga suspek ang biktima sakay ng kanyang sasakyan habang papalabas sa Kalaklan Highway sa SBMA. Wala umano silang alam na may inagrabyado ang kanilang kapatid, kaya wala sa hinuha nilang magtangka sa buhay nito. Pinag-aaralan na ng pulisya ang angulong may halong inggit sa negosyo o kaya personal na alitan ang ugat ng pagpaslang sa biktima. (Fred Lovino)

BENIGNO ONG

CIELO PABLO

DELFIN ABELLA

ED CASULLA

FRED LOVINO

JAMES GORDON MEMORIAL HOSPITAL

KALAKLAN HIGHWAY

LEGAZPI CITY

MAXIMO PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with