Naghahanapng hustisya - Part 2

CATBALOGAN, Samar – Lumipas ang ilang araw, kumalat ang balita na si Celia ay nagtungo sa Maynila upang komprontahin ang asawang nambabae at lumayas.

Karamihang residente sa Barangay Socoro, Catbalogan, ang naniniwala na may naganap na hindi pangkaraniwan sa bahay ni Celia.

Kaya naman hinikayat si Barangay Kagawad Edith Concepcion, ang kanilang barangay captain at mga kasamahang opisyal na imbestigahan ang reklamo ng kanilang mga residente sa bahay ni Celia na may nagmumultong lalaki.

Sa una ay binalewala ang mungkahi ni Edith, subalit inilahad nito sa mga opisyal ng barangay ang kakaibang panaginip tungkol sa bahay ni Celia.

Ganito ang panaginip ni Edith – naglilinis ako ng bakuran namin nang mapansin kong bahay na pala nina Celia ang nililinis ko. Tinawag ako ni Elmo na asawa ni Celia.

"Konsehal, didi gad hiton amon tangkal damo it hugaw"(Konsehal, dito sa kulungan ng aming baboy maraming dumi dito) at niligid nito ang bukaran tinungo ang kanilang kulungan ng baboy.

Sumunod naman ako at nakita ko siyang may hawak na palakol. Binasag ang sahig ng kulungan ng baboy at nang mabasag ay may kinuha siya sa ilalim. Nagsisigaw ako nang makita kong bungo ng tao ang nahukay niya.

Matapos na mailahad ni Edith ang kakaibang panaginip ay tinungo ng mga opisyal ng barangay, mga residente at pulisya ang nabanggit na lugar para mag-imbestiga, subalit hindi pumayag ang kaanak ni Celia na halukayin ang bahay dahil wala ang may-ari.

Subalit buong tapang na binalewala si Konsehal Concepcion ang sinabi ng isa sa utol ni Celia. "May itinatago sa bahay na ito kaya para mawala ang hinala ng mga tao hayaan ninyo kaming magsiyasat," dagdag pa ni Konsehal Edith.

Mabilis na nagpasya ang mga opisyal ng barangay na basagin ang sementadong sahig ng kulungan ng baboy at nakuhay ang isang paris ng tsinelas.

Tinanong ang anak ni Celia na Pido kung kanino ang tsinelas. "Pido, kilala mo kon kanay ine tsinelas?" (Pido, kilala mo kung sino may-ari ng tsinelas na ito?), "Kan tatay ito tsinelas" (Kay tatay yan tsinelas), sagot ni Pido.

Naghukay pa sila hanggang sa matagpuan ang kumot, kulambo at mga damit na pawang kinilala ni Pido na pag-aari ng kanyang ama.

(Itutuloy)

Show comments