8 barangay nasa state of calamity
September 1, 2006 | 12:00am
SAN MATEO, Rizal Walong barangay sa bayan ng San Mateo, Rizal ang idineklarang nasa state of calamity matapos na lumobo ang bilang ng kaso ng dengue at malaria.Sa talaan ng San Mateo Municipal Health Office, nakapagtala ng may 142-kaso ng malaria at 61-kaso naman ng dengue simula noong Hulyo hanggang sa kasalukuyan sa mga barangay ng Ampid 1, 2, Pintong Bocaue, Banaba, Maly, Gulod Malaya, Malanday at Sto. Niño. Napag-alaman ding apat na bata ang nasawi na nasa edad 4 hanggang 7-anyos.Dahil dito, agad na ipinag-utos ni San Mateo acting Mayor Ariel Diaz, ang agarang aksyon upang masawata ang kumakalat na sakit. (Edwin Balasa)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 14 hours ago
By Cristina Timbang | 14 hours ago
By Tony Sandoval | 14 hours ago
Recommended