^

Probinsiya

Pader gumuho: 6-katao dedo

- Joy Cantos -
CAMP CRAME — Hindi nakapalag sa kalawit ni kamatayan ang anim-katao kabilang na ang tatlong bata makaraang mabagsakan ng pader na gumuho sa kasagsagan ng ulan sa Mabolo District, Cebu City kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang patay sa Cebu City Medical Center ang mga biktimang may apelyidong Bagaco na sina Priscila, ina; mga anak na Anne, 7; Alfredo III, 3; Joyce, 6; Abigail Familara, kapatid ng ina ng mga bata; at Elisa na hindi pa mabatid kung ano ang relasyon sa pamilya Bagaco.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan sa nabanggit na lugar hanggang sa bumigay ang konkretong mataas na pader na dumagan sa mga biktima kahapon pasado alas-4 ng madaling-araw.

Samantala, umapaw din ang sapa at binaha ang tahanan ng pamilya Bagaco at nagawa pang maisugod ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital ng mga rumespondeng rescue team, subali’t nabigong maisalba ang buhay ng mga ito.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na maliban sa pader na dumagan sa mga biktimang natutulog ay posible rin nakuryente dahil ang linya ng kuryente ay bumagsak at dumaloy sa tubig-baha ang boltahe kaya nagtuloy sa anim kaya’t doble kamalasan ang sinapit ng mga ito at walang naging survivor sa insidente.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng anim na sibilyan.

ABIGAIL FAMILARA

ALFREDO

BAGACO

CEBU CITY

CEBU CITY MEDICAL CENTER

ELISA

IDINEKLARANG

KASALUKUYANG

MABOLO DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with