^

Probinsiya

Mga beach resort sa Gapo ipinasara

-
OLONGAPO CITY – Kasalukuyang iniimbestigahanan ng mga awtoridad ang naganap na oil spill sa karagatang sakop ng Olongapo City at Subic Bay dulot ng saku-sakong kontaminadong langis ang itinapon ng nagdaraang barko, kamakalawa.

Aabot sa pitong kilometro ang lawak ng oil spill na naapektuhan ang mga beach resorts na sakop ng Barangay Barretto sa Olongapo City.

Humingi na ng tulong ang mga opisyal ng local na pamahalaan ng Olongapo City sa pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) upang maberipika ang barkong nagtapon ng kontaminadong bunker fuel oil na kahalintulad ng oil spill sa Guimaras Strait.

Sa inisyal na pagsisiyasat, isang hindi pa matukoy na barko na nakadaong sa pantalan ng Subic Bay ang nagtapon ng mga plastic bags na naglalaman ng bunker fuel oil bago tuluyang maglayag.

Namataan ang mga plastic ng langis ng isang mangingisda kaya ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Ayon kay Barangay Chairman Carlito Baloy, karamihan sa mga plastic bags ay kumalat sa kahabaan ng dalampasigan na sakop ng mga beach resort.

Bunga nito ay ipinasarado na ni Baloy ang lahat ng mga beach resorts, kasabay ang pagbabawal sa mga turista at publiko na maligo.

Nabatid na ilang negosyo partikular na ang mga hotel sa nabanggit na lugar ay nagrereklamo dahil nagsisialisan na ang kanilang mga foreign at local guests dahil sa mabahong amoy na dulot ng oil slick. (Jeff Tombado)

AABOT

AYON

BARANGAY BARRETTO

BARANGAY CHAIRMAN CARLITO BALOY

GUIMARAS STRAIT

JEFF TOMBADO

OLONGAPO CITY

SUBIC BAY

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with